Thursday, January 22, 2009

A Depository Bank of Celso

Sa Ayala Alabang Country Club list of members dated March, 2008, si Celso delos Angeles, Jr. as ang official company representative ng Asiatrust Development Bank.

Alam natin na isa sa mga banks na ginamit ng Rural Bank of Paranaque sa pag-issue ng kanilang mga pdcs ay ang Asiatrust. Pero hindi ito sapat na dahilan na gagawing company rep si Celso ng bangko sa sikat at mamahalin na country club unless siya ay bank officer o stockholder. Alam naman natin na hindi siya empleyado ng bangko, so ibig sabihin ay stockholder siya.

Binasa ko ang October 13, 2008 top 100 stockholders report ng Asiatrust bank sa Phil Stock Exchange, at wala akong nakitang pangalan ni Celso sa lista. Pero meron akong nakitang pangalan ng nagiisang bangko- BMS Rural Bank, Inc. Hmmm, connectado ba ang bangkong ito kay Celso? At ito ba ang rason kung bakit si Celso ay ang representative ng Asiatrust bank sa Ayala Alabang Country Club?

Basta! sigurado ako na malaking depositor si Celso sa Asiatrust. Ang hindi ko alam ay kung stockholder si Celso ng BMS rural bank.

1 comment:

  1. Sad to say... CElso delos Angeles didn't even get a chance to get hold of a share to BMS Bank. Matagal ng na-foresee ng management ng said bank ang operations ng legacy bank kc if you really would investigate, unsound banking practice na talaga sila kasi wala naman silang matatag na loan product.

    ReplyDelete