Monday, February 2, 2009

Celso admits to selling his Ayala Alabang lot- you read it first in this blog!

Sa senate hearing today, inamin ni celso de los angeles na binenta niya sa first week ng December ang ayala alabang lot na may laki ng 3,000 sqm sa halaga ng 55 milyon plus. Nabasa ninyo first sa blog na ito na nireport natin ang tsismis na ito na galing ng Oro Mismo- ngayon ay hindi ito tsimis kundi the truth, and nothing but the truth. Ang actual kinita ni celso ayon sa tabloid ay P57 million. Pero sabi ni celso ay ito lang ang property niya na binenta niya? naniniwala ba kayo na wala siyang ibang asset na na-dispose na? sa tingin namin, inamin niya lang sale ng ayala alabang lot kasi nabuko na siya care of Oro Mismo and this blog (bow).

Kagabi, ni-report namin na tila may meeting na nangyari sa mansion ni celso sa 303 country club drive, ayala alabang village. How did we know? kasi lahat ng hanging lights sa tree at ang lights along the fence ay all ablaze. At ang haka haka namin ay ang meeting is all about today's Senate hearing. Ngayon, nagpakita si celso sa senate, kahit hindi siya imbitado. Take note: he was not invited but he voluntarily presented himself. Pinalabas niya sa mga senador na willing to cooperate siya, at therefore, lahat na kanyang sasabihin ay totoo. Galing ng strategy ni celso, especially after the fact na hindi siya nagpakita sa hearing sa house of representatives kahit dito ay imbitado siya. Tama talaga ang analysis natin- alam ni celso na kayang kaya niyang i-snub ang House hearing kasi maraming siyang protector doon. Pero sa senado na wala siyang kasangga, nagpapogi points siya by pre-empting the senate with his uninvited and surprise attendance.

I hope the senate can clearly see through this first-class con man.

No comments:

Post a Comment